kulturang pilipino na nabanggit sa tulang ang pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan at buhay ng kinabukasan. Iugnay ito sa iba pang kultura sa timog-silangang asya?

Sagot :

Ang mga nabanggit na kulturang Pilipino sa tula ay ang sumusunod:

noon:
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

ngayon:
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay na karanasan kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan ito ang regalo ng kultura regalo ng kasalukuyan.

bukas:
ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan