kahalagahan sa kasalukyan


1.paggamit ng apoy



2pagsasaka



3.pag iimbak ngf labis na pagkain




4.paggamit ng mga pinatulis na bato




5 paggamit ng kasangkapang metal



6.pagtatayo ng permamenteng tirahan


7.pag aalaga ng hayop




please help me po :(


Sagot :

Answer:

Ang mga sumusunod ay mahalaga pa rin sa kasalukuyan:

  1. Paggamit ng apoy
  2. Pagsasaka
  3. Pag iimbak ng labis na pagkain
  4. Paggamit ng mga pinatulis na bato
  5. Paggamit ng kasangkapang metal
  6. Pagtatayo ng permamenteng tirahan
  7. Pag aalaga ng hayop

Paggamit ng apoy

Ang apoy ang isa sa pinakamahalagang elemento sa mundo. Sa pamamagitan ng apoy ay nakapagluluto tayo ng pagkain. Ang apoy ang siyang nagpapalambot ng mga hilaw na kasangakapan na mayroon tayo tulad ng karne, bigas, at iba pa. Ang apoy rin ay ginagamit upang mainitan ang ating katawan sa tuwing mayroong malamig na panahon

Pagsasaka

Ang pagsasaka ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan natin ng ating mga makakain. Sa pamamagitan ng pagsasaka ay nagkakaroon tayo ng pagkain sa hapag kainan. Ang ilan sa mga halaman na sinasaka ay ang mga sumusunod:

  • Bigas
  • Wheat
  • Barley

Pag iimbak ng labis na pagkain

Gaya ng mga langgam, ang mga tao ay dapat na nag iimbak ng labis na pagkain. Dahil ang Pilipinas ay madalas dalawin ng bagyo, nakatutulong ang pag iimbak ng labis na pagkain upang may makain tayo sa oras ng sakuna. Kapag may malakas na bagyo ay karaniwang sarado ang mga tindahan kung kaya't wala tayong mapagbibilhan ng mga makakain

Paggamit ng mga pinatulis na bato

Hanggang sa kasalukuyan ay mahalaga ito sapagkat ang mga bato ang isa sa mga bagay na maaari nating gawing sandata o hindi kaya ay palamuti sa tahanan.

Paggamit ng kasangkapang metal

Ang metal ay mas nakatutulong sa paghiwa ng mga bagay sapagkat ito ay mas matalas kaysa sa bato. Ang mga kutsilyo at gunting ay karaniwang gawa sa metal

Pagtatayo ng permamenteng tirahan

Nakatutulong ang pagtatayo ng permanenteng tahanan upang makatipid tayo ng oras at panahon. Kung palipat lipat tayo ng tahanan ay masasayang ang ating oras.

Pag aalaga ng hayop

Ang pag aalaga ng hayop ay mahalaga sa kasalukuyan dahil ito ay isa sa pinagkukunan natin ng pagkain. Nag aalaga tayo ng mga sumusunod:

  • Baboy
  • Kambing
  • Manok
  • Baka

Sumangguni sa sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Kahulugan ng pagsasaka

https://brainly.ph/question/1656525

Paraan ng pagsasaka

https://brainly.ph/question/416938

Suliranin sa pagsasaka

https://brainly.ph/question/2125282