Sagot :
Narito ang ilang hakbang kung paano gumawa ng sariling alamat
- una mag isip ka kung anong paksa ang gusto mong gawin, halimbawa paksa mo ay tungkol sa pinagmulan ng hayop,halaman,lugar, gulay prutas o anumang bahagi ng ating kalikasan tulad ng halaman,puno ,bulaklak,bundok at iba pa.
- Pangalawa tiyakin na ang alamat na isusulat nyo ay hindi pa nailathala maaring magkapareho ng paksa pero sarili dapat ninyong version.
- magbasa ng mga alamat ng sa gayon ay magkaroon ka ng ideya sa pagsulat ng gagawin mong alamat.
- Mag isip kung sinu-sino ang magiging tauhan mo sa gagawin mong alamat.
- kailangan mo ring isulat kung ano ang mga magiging suliranin at aral na makukuha sa gagawin mong alamat.
- kailangan mo ring ilahad,ilarawan ang mga tauhan sa oras at lugar na magpapakita ng kanyang personalidad.
- Mag isip ng mga sitwasyon kung papaano mailalahad ang mensahe at aral ng iyong gagawing alamat.
- Kailangan mo ring ipakita o gamitin ang inyong talento sa pagiging malikhain at pagguhit o pagdidisenyo.
- Paganahin ang inyong malikhaing imahinasyon at simulan mo na ang pagsulat ng alamat.
Ang Alamat ay bahagi ng ating panitikan, ito ay kwentong piksyon din tungkol sa pinagmulan ng mga lugar,bagay, pagkain at iba pang bahagi ng kalikasan at kapaligiran.
Ilang halimbawa ng Alamat
- Ang Alamat ng Paru-paru
- AngAlamat ng Bulaklak
- Ang Alamat ng Aso
- Ang Alamat ng Bulkang Mayon
- Ang Alamat ng Pakwan
- Ang alamat ng bahaghari
- Ang alamat ng Rosas
- Ang Alamat ng Makahiya
Elemento ng Alamat
- Simula- sa simula ng alamat ay dito mo makikita kung sino ang mga tauhan mga pinangyarihan ng kaganapan sa loob ng kwento, dito mo mababasa kung ang tauhan ay bida o kontrabida. kailangan din na ang simula ay kaaya aya sa mangbabasa upang ito ay kawilihan nilang basahin o tapusin.
- Gitna- sa gitna ng kwento dito mo makikita ang mga eksena o tagpo sa iyong binabasa dito nakapaloob ang mga dayalogo at usapan, tunggalian ng mga tauhan.
- Wakas- sa bahaging ito ng kwento ay mababasa mo ang kalumanayan ng takbo ng kwento dito narin mababasa kung ano ang kahihinatnan ng kwento at ng mga tauhan kung ito ba ay magtatapos sa masaya o malungkot na mga tagpo kalimitang dito narin nakapaloob ang aral na gustong iparating ng kwento.
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
kahalagahan ng alamat https://brainly.ph/question/565469
kahulugan ng alamat https://brainly.ph/question/133120
iba pang kahalagahan ng alamat https://brainly.ph/question/138209