Ang tinatawag na Prime Meridian o sa direktang tagalog ay Punong Meridyano ay tumutukoy sa hindi nakikitang patayo o pinakagitnang guhit na kasalungat ng Equator, at humahati sa silangan at kanluran ng daigdig.
Ito ang meridyano o guhit ng longhitud sa pinaka gitnang bahagi at may bilang na 0°, ito ay kilala rin bilang Sero Meridyano.
Ang guhit longhitud na ito ay nagsisimula sa mukha o ibabaw ng globo sa Hilagang Polo papunta sa Timog polo ng mundo, na dumaraan sa lugar na Greenwich, sa bansang Inglatera. Ang guhit na ito ang batayan kung paano matutukoy kung alin ang silangan at kanluran ng daigdig.
#CarryOnLearning