Ang "Puasa: Pag-aayunong Islam" ay isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo. Nagpupuasa ang mga Muslim upang sundin ang turo ng Q'uran na nagsasabing "Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at iniuutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutunan ang disiplina sa sarili". Ito ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom kasama na ang anumang masamang gawain laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggan paglubog nito.