Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto ;
a. pang-araw-araw na gawain
b. paraan ng paglilibing
c. sining
d. pinagkukunan ng pagkain


Sagot :

Ang pang-araw araw na gawain ng mga tao sa kasalukuyan ay ginagamitan na ng iba't ibang uri ng kasangkapang de makina at de kuryente samantalang noon mga panahon ng mga tag Catal Huyuk ay gumagamit sila ng mga kasangkapang mula sa pinakinis na mga bato.

Ngayon, ang mga katawan ng mga patay ay binibigyan ng disenteng lamay at burol sa isang disenteng kapilya at may mga mamahaling kabaong ngunit dati ay inililibing lamang nila sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga patay.

Ang sining ngayon ay marami ng pormal na pagsasanay sa iba't ibang paaralan at sumasali na sa iba't ibang patimpalak na pang-internasyonal samantalang dati rati ang sining ng paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan din ng hanapbuhay ng mga tao. 

Sa kasalukuyan, palengke ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain sapagkat lahat ay ibinebenta na ngunit dati sila mismo ang nagtatanim at naghahanap ng kanilang pagkain sa kagubatan.