Mahalagang malaman ng mga Pilipino ang kalagayan ng Pilipinas base sa direksyon ng monsoon upang magkaroon tayo ng paunang kaalaman tungkol sa mga panahon at lugar na madalas bagyuhin. Sa ganitong paraan, ay magkakaron tayo ng sapat na oras at panahon para makapaghanda sa nalalapit na pagdating ng mga kalamidad dala ng pagbabago sa klima at panahon.