Sagot :
Answer:
Sa unang bahagi ng sanaysay na Alegorya ng Yungib, paano nakilala ng mga bilanggo ang "katotohanan" ng mga bagay bagay? Magbigay ng mga patunay.
Naiiba ang katotohanang nalalaman ng mga nanatili sa yungib kung ikukumpara sa nakalayang bilanggo. Ang mga paniniwalang ito ay nakabatay sa kinagisnang madilim na mundo sa loob ng yungib. Ang mga anino ng ibat-ibang bagay na matatagpuan sa labas ay ang itinuring nilang katotohanan.
Ang tunay na katotohanan ay natagpuan ng bilanggong nakalabas ng yungib, dito ay nakita niya ang mga sumusunod:
- hayop
- halaman
- at ibang pang mga tao
- Napagmasdan niya ang buwan at mga bituin
- at higit sa lahat nakita niya ang tunay na liwanag mula sa araw.
Patunay nito ang kanyang pagnanais na imulat sa katotohan ang kanyang mga nakasama sa loob ng yungib.
Bigyang kahulugan ang naramdaman ng mga bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at matititgan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng pangyayaring ito ?
Explanation:
Ang nakalayang bilanggo na bumalik sa yungib ay nagbago dahil sa kanyang panahon sa labas nito. Naging iba ang kanyang pananaw dahil sa kanyang pagkakagising sa katotohanan.
Ang “Alegorya ng Yungib” ay nagpapahiwatig ng katotohanan na lahat tayo ay nagmula sa loob ng yungib na sumisimbulo sa mga sumusunod:
- Relihiyon
- kultura
- partido politikal
- nasyonalismo at mamarami pang iba.
Ang mga nabanggit ay mga kinagisnang hindi basta mabitawan dahil sa matagal na panahong pagtuturo nito o “Indoctrination”. At gaya ng kwento, ay higit na pinipili ng karamihan na manatili sa loob ng yungib kaysa gamitin ang isip at harapin ang katotohanan namay pagkukulang ang ating mga kinagisnan.
Mga halimbawa:
- Mahirap bitawan ang relihiyon gayong hindi kailan man nagpkita sa iyo ang Diyos.
- Dahil sa kinamulatang kultura, hindi sumusubok ang marami ng bagong paraan ng pamumuhay, tumitikim ng naiibang pagkain, at iba pa.
- Dahil sa paniniwalang politikal at nasyonalismo ay kumalat na sa mundo ang “It is us against them” na mentality, na isang dahilan ng walang katapusang digmaan. Ito ay sa kabila ng alam nating na lahat tayo ay tao at ang mga national boarders ay gawa-gawa lamang natin.
Ang “Alegorya ng Yungib” ni Plato ay nagpapakita ng tungkulin ng mga pilosopo (kinakatawan ng bilanggong nakalaya) na patuloy na gisingin ang karamihan (mga taong nais manaili sa dilim ng yungib). Ang kwentong ito ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng tao mula noon hanggang sa kasalukuyan.
I-click ang mga links para sa karagdagang imporasyon:
Alegorya ng yungib - Plato https://brainly.ph/question/127911
Talambuhay ni plato. https://brainly.ph/question/1577650
Ano ang naiambag ni Socrates? https://brainly.ph/question/1850497