Ano ang ibig sabihin ng "Madaling maging tao, mahirap magpakatao?"

Sagot :

Answer:

Ang kasabihang “madaling maging tao” tumutukoy ito sa hanggang salita lang ng tao pero sa totoong buhay o pangyayari ay di niya kayang gawin, harapin o panindigan ang kanyang pagiging tao kaya't  tinatawag ito na mahirap “magpakatao”.

Explanation:

Halimbawa:

1. Mas madaling magpayo sa iba, pero mahirap sumunod  kung tayo na mismo ang papayuhan.  

2. Mas madaling sabihin na kaya ko lahat ang trabaho niya, madali lang yan ah!  Pero mas mahirap pala kung actual ng mangyari.  

3. Pag may nagagalit mabilis tayong magpakalma sa kanila. Pero sa totoo lang, talagang mahirap ito kung tayo na mismo ang magagalit.  

4. Kung may nagkakamali mas madali ang pagpuna sa iba, pero mahirap pala talaga kung tayo na ang pinupuna sa ating pagkakamali.  

5. Pag nagbibiro tayo sa iba, minsan ay di natin iniisip na nakakasakit na pala ito sa kanila. Mahirap kung tayo ay nasasaktan sa biro dahil kaagad tayong napikon.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa madaling maging tao,mahirap magpakatao ay maaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/555242

Mangyayari lamang na sabihing nagpakatotoo ang isang tao kung may aksyon na siyang ipinapakita. Kadalasan ngayon ay mas madali lang ang pagsasalita, pero mahirap ang magpakatoo. Kahit nga sa pag-ibig ay mas madali ang salitang mahal kita pero di kayang panindigan dahil pag nakakita na ng iba ay madali nalang ang pagpalit nito. Paano nga ba malalaman ang tao na siya ay nagpakatotoo?  

Mga halimbawa:

  • Kayang magtiis.  
  • Handang sumubok.  
  • Hindi susuko sa kahit anong sitwasyon.  
  • May mabuting hangarin.  
  • Ginagawa ang makakaya lang.  

Mas madaling mangutang kaysa tayo mismo magpautang. Dahil alam natin na kayang nating bayaran kaysa di natin alam kung tayo ba ay mababayaran. Ganoon din ang kasabihang mas ''madaling maging tao'', pero ang ''mahirap ay ang magpakatao''.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa hindi tinutukoy ng bahaging ''madaling maging tao''sa kasabihang ''madaling maging tao''mahirap magpakatao ay maaring tingnan lamang ang link na ito.https://brainly.ph/question/331991

Totoo pala talaga ang kasabihang “madaling maging tao, pero ang mahirap ay magpakatao dahil mas madali itong sasabihin o bigkasin sa bibig natin pero mahirap itong gawin. Pagkaakala ng isa na tama na ang kanyang ginagawa pero mali pa pala ito sa iba. May iba naman na kayang panindigan ang kanilang sinasabi at yun ay tinatawag na “madaling maging tao, dahil kayang gawin ang magpakatao” bigyan natin ng halimbawa ang sinasaad nito.

Mga halimbawang kayang gawin ang magpakatao:

1. Madaling sabihin ang pagpapatawad dahil ginagawa din niya ito.  

2. Madaling umunawa sa kahit anong sitwasyon dahil subok niya na ito.  

3. Napatunayang mabait ang isang tao dahil hindi gumaganti pag nasasaktan.  

4. Madaling humarap sa mga hamon ng buhay dahil nakakaranas na siya nito.  

5. Mas madaling sabihin na maging masaya ang taong kontento, kung talagang nakasubok siya ng kahirapan kahit paman nakaranas siya ng magandang buhay at di na niya hinahangad ulit ito.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kasabihan ng madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao ay maaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/1480626