ano ang mga elemento ng alamat
?


Sagot :

Elemento ng Alamat:

  1. Simula
  2. Gitna
  3. Wakas

Simula

Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

  • Ang Tauhan - karakter sa kwento
  • Tagpuan - lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento
  • Suliranin - problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.

Gitna

Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

  • Saglit na kasiglahan - kasiglahan sa kwento
  • Tunggalian - paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
  • Kasukdulan - pinakamagandang parte o bahagi ng istorya

Wakas

Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong kuwento. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

  • Kakalasan - unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan
  • Katapusan - kung saan nagtatapos ang isang kwneto

Ano ang kahulugan ng alamat? Basahin sa https://brainly.ph/question/1479468.

Saan nagmula ang alamat? Basahin sa https://brainly.ph/question/362617.

Halimbawa ng alamat: https://brainly.ph/question/1521399