mga halimbawa ng paglalarawan

Sagot :

Answer:

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay pagpapakahulugan o maari ding pagbibigay turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa na kung tawagin ay pang-uri.

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.

Halimbawa ng paglalarawan o pang-uri na ginamit sa pangungusap;

  • maganda

Maganda ang damit na nabili ni Nena.

  • masarap

Masarap ang niluto ni nanay na meryenda.

  • matalino

Si Ben ay isang matalinong bata sa aming klase.

  • mataas

Mataas ang puno ng niyog.

  • pulang-pula

Pulang-pula ang nabiling damit ni Stella.

  • mahiyain

Si Marta ay mahiyain dahil hindi siya sumasali sa paligsahan.

  • maliit

Maliit ang binigay na tinapay ni Luz sa pulubi.

  • masunurin

Si Cyrelle ay isang masunuring anak.

  • mataba

Si ate ay mataba dahil siya ay kain ng kain.

  • mapayat

Hindi kumakain ng gulay at prutas si Liza kaya siya mapayat.

  • malawak

Malawak ang aming silid-aralan.

  • malaki

Malaki ang nakuha niyang mangga sa puno.

  • kayumanggi

Kulay kayumanggi ang kanyang balat.

  • mabait

Si Bb. Cruz ay isang mabait na guro.

  • matipid

Palagi siyang may tirang baon si Myrna kaya siya ay matipid.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665

#BetterWithBrainly