ano ang kahulugan ng patung , gintong salumpuwit , sinaunang gong , nganga

Sagot :

Ang kahulugan ng mga sumusunod na salita

  1. Patung
  2. Gintong salumpuwit
  3. Sinaunang gong
  4. nganga
  • Patung

ang patung ay isang mahabang bakal, na kung saan noong unang panahon ay ginagamit ito ng mga kawal upang pagtaliaan ng kanilang mga bihag.

  • Gintong salumpuwit

ang gintong salumpuwit ay isang upuan na yari sa ginto, noong unang panahon tanging ang mga mayayaman lang at may dugong maharlika ang nagmamay ari at umuupo dito.

  • Sinaunang gong

Ang sinaunang gong ay isang bagay na hugis bilog na kung saan ay pinapalo ang gitna nito   ng isang matigas na bagay upang makalikha ng malakas na tunog.

  • Nganga

Ang nganga ang madalas na nginunguya ng matatanda noong unang panahon ito ay may sangkap na dahon ng ikmo, bunga at apog binabalot sa maliit na piraso ng ikmo ang bunga at apog pagkatapos ay isusubo ito,mahalang at mainit sa bibig ang nganga, kadalasang ang mag nganga ay may mapupulang ngipin at laway.

buksan para sa karagdagang kaalaman

mga salitang di pamilyar at kahulugan nito https://brainly.ph/question/348511

mga kahulugan ng salitang di pamilyar https://brainly.ph/question/381355

iba pang halimbawa ng di pamilyar na salita https://brainly.ph/question/340760