Hal.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,
maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos
nakatunganga.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala
hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita
ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang
taong masipag.
Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'y
iba ang kumain.
Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.