ano ang kaugnayan ng heograpiya sa panahong paleolitiko,neolitiko,panahon ng metal

Sagot :

Ang heograpiya ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pag-usbong ng iba't ibang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahong paleolitiko, neolitiko at panahon ng metal. Ang kabuhayan ng mga tao sa iba't ibang panahon ay mariing naimpluwensiyahan ng uri o istruktura o pisikal na katangian ng isang lugar. Ang pisikal na katangian ng isang lugar ay laging isinaalang-alang ng mga tao kung mananatili o mamuhay sila sa lugar na iyon o hindi.