halimbawa ng pang abay na pamaraan

Sagot :

Pang-abay na Pamaraan or Adverb of Manner- nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Tiklop - tuhod siyang humingi ng tawad.
2. Magalang niyang tinanggap ang mga panauhin.
3. Si mang Jose ay masipag magtanimasa sa bukid.
4. Ang sanggol ay malambing na yumakap sa ina.
5. Si Maria ay mahusay sumayaw.
6. Hindi kita marinig dahil mahina kang magsalita.
7. Matiyagang naghihintay ng tubig ang mga tao.
8. Si Andres ay tamad maglinis ng kanyang sapatos.
9. Malakas kumain ang matabang bata.
10. Taimtim na nanalangin ang mag tao.