Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Ito ang tawag sa mga salita, parirala o pahayag na may posibilidad o maaaring magkatotoo subalit hindi tiyak, masiguro o may mga agam-agam pa ang taong nagsasalaysay.
1. Maaari
"At dahil mas mulat na ako ngayon sa mga karapatang pantao, maaaring sumama ako sa Pride March sa susunod na taon."
2. Siguro
"Siguro naunawaan na ng mga tao ang mga nagpo-protesta dahil hindi sila nabwisit sa mabagal na daloy ng trapiko."
3. Marahil
"Marahil matalino't maraming alam sa batas ang batang iyon kaya kasama siya sa pag-aaklas."
4. Sa palagay
"Sa palagay ko ay masyado lamang priviledged ang taong hindi nakakaunawa sa mga nagpo-protesta dahil hindi sila naiipit ng mga hindi makatuwirang hatol ng gobyerno."
5. May posibilidad
"May posibilidad na gamitin ko ang aking sasakyan para mag-carpool papuntang Marikina para sa mga sasama sa Pride March."