Ang heograpiya ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa kasaysayan at maging sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Sa panahon ng neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga pinakinis na bato at ang pagkatuto ng mga gawaing agrikultural tulad ng pagsasaka, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop dahil sa pagkakadiskubre ng mga lugar kung saan pwedeng taniman o pastulan ng mga hayop. Isa ang heograpiya sa naging dahilan kung kaya't nagkaroon ng permanenteng sistema ng paninirahan ang mga sinaunang tao.