Sagot :
Kahulugan ng Nagapi
Ang salitang nagapi ay binubuo ng unlaping na- at salitang-ugat na gapi. Ang kahulugan nito ay pagiging bigo na manalo sa isang bagay na pinaglalabanan. Ito'y tumutukoy sa pagkatalo. Dito nasusukat ang lakas, galing, talino o kakayahan ng isang tao o bagay. Ang mga kasingkahulugan ng salitang ito ay natalo, nadaig, nabihag, napasuko o nalupig.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamitin natin sa pangungusap ang salitang nagapi upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:
- Nagapi man sa labanan ang ilang Pilipino noon ay nakamit padin ng Pilipinas ang kalayaan.
- Hindi nagapi sa patimpalak ang kaklase kong si Bruno dahil araw-araw siyang nag-eensayo.
- Mabagal tumakbo ang magnanakaw kaya naman madali siyang nagapi ng mga pulis.
Mga malalim na salita at kahulugan:
https://brainly.ph/question/2752020
#LearnWithBrainly