Sagot :
Ang pagkakaiba ng kwentong Cupid at Psyche at Wigan at Bugan. Ang Cupid at Psyche ay tungkol sa pakikipag laban sa kanilang pag ibig ng isang Mortal at Imortal na nag-iibigan ang pagtitiwala ang nais na iparating ng kwentong ito.Samantalang ang Wigan at Bugan naman ay tungkol sa mag asawang hindi magka-anak. At ang babae nga ay nagpasya na lamang mamamatay subalit sa dahil sa isang ritwal ay nag-karoon ng katuparan ang matagal na pinapangarap nila na magka-anak. Pag-asa naman ang nais iparating ng kwentong ito.
Mga Tauhan sa Cupid at Psyche
- Psyche- Siya ang kinaiinggitan ni Venus dahil sa angkin niyang kagandahan na lubos na hinahangaan ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan. Siya ay naging Imortal sa huli ng kwento napangasawa siya ni Cupid.
- Cupid- siya ang diyos ng pag-ibig na anak ni Venus na napangasawa ni Psyche,Siya ay lubos na nabighani kay Psyche sa unang pagkakita pa lamang niya dito.Ngunit inilihim niya ang kanyang tunay na katauhan sa kanyang asawa na si Psyche.
- Venus- Siya ang ina ni Cupid,tinagurian siyang Diyosa ng kagandahan. Labis ang pagseselos niya kay Psyche dahil sa halip na siya ang dapat hangaan ng mga tao at sambahain dahil siya ang diyosa ng kagandahan ay si Psyche ang hinangaan at sinamba ng mga ito.
- Jupiter- siya ang nagbasbas sa pagiging mag asawa nina Cupid at Psyche. Siya ang hari ng mga diyos ng panahon at kalawakan.
- Mercury – Siya ang saksi sa pag-iisang dibdib nina Cupid at Psyche. Siya din ang tinaguriang mensahero ng mga diyos
- Apollo – Siya ang hiningian ng payo ng amang hari ni Psyche kung ano ang magiging kapalaran ng kanyang anak. Siya rin ang diyos ng mga propesiya,musika araw at liwanag.
- Zephyr – Siya naman ang nagdala kay Psyche papunta sa palasyo na titirhan niya at ang kanyang asawang si Cupid, Tinagurian siyang hari ng hangin.
- Proserpine – Sa kanya pinahihingi ni Venus ng isang kahon ng kagandahan si Psyche. Tinagurian naman siyang reyna ng ilalim ng lupa.
- Charon- siya ang bangkerong sinakyan ni Psyche patungo sa ilalim ng lupa,Siya ang may ari ng ferryman.
- Cerberus – Ito ang asong mayroong tatlo ulo na binigyan ni Psyche ng cake upang siya ay makapasok at makarating sa ilalim ng lupa.
Ang iba pang mga tauhan na nabanggit sa Cupid at Psyche
- Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche.
- Ang amang hari ni Psche
- Ang mga langgam
- Ang agila
- Ang mga tupan a may gintong balahibo.
Mga tauhan sa Wigan at Bugan
- Bugan – siya ay asawa ni Wigan na isang napakaganda,na nais na magpakamatay dahil hind nga sila magka-anak ni Wigan.
- Igat – sa paglalakbay ni Bugan ay ito ang unang hayop na nakasalubong niya.
- Buwaya- ito naman ang hayo n nakita ni Bugan sa lawa sa lagud.
- Pating- ito ang hayop na pinatuloy si Bugan at pinakain sa kanyang tirahan.
Ang iba pang mga tauhan sa Wigan at Bugan na tumulong sa kanila upang magkaanak
- Bumabakker
- Ngilin
- Diyos ng mga hayop
- Bolang
Buksan para sa karagdagan kaalaman
Impormasyo tungkol sa Cupid at Psyche https://brainly.ph/question/588925
Buod ng wigan at Bugan https://brainly.ph/question/703448
Mitolohiyang cupid at psyche https://brainly.ph/question/125984