kahulugan ng malumi (diin ng salita)

Sagot :

Malumi- mga salitang nagtatapos sa patinig lamang at binibigkas ng banayad o marahan. Ang mga salitang may bigkas na malumi at may impit na tunog sa hulihan. Hal. Tama, mungkahi.
Malumi. Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi. 
Mga Halimbawa:
-baro 

-lahi
-pagsapi
-bata
-luha
-mayumi
-tama
-lupa
-panlapi