Sagot :
Answer:
Pangangailangan at Kagustuhan
Pangangailangan
Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na kailangan ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ay mga importanteng bagay na hindi maaaring mawala sa atin, dahil kung hindi, ay tiyak na mahihirapan tayong mabuhay. Ang mga pangangailangan ay maaaring mahati sa iba't ibang klase - ito ay maaaring maging pangunahing pangangailanga, sekondaryang pangangailangan, at marami pang iba. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng pangangailangan na mayroon ang isang tao
- Pagkain
- Tubig
- Matitirahan o bahay
- Damit o kasuotan
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa pangangailangan, mangyaring sumangguni sa sumusunod na link:
https://brainly.ph/question/108303
Para sa halimbawa ng pangangailangan https://brainly.ph/question/682927
Kagustuhan
Ang kagustuhan ay tumutukoy sa mga bagay na personal nating gusto. Maaaring ito ay hindi natin kailangan subalit gusto natin. Iba ito sa pangangailangan dahil ang pangangailangan, gaya ng nabanggit sa naunang talata, ay kailangan natin upang tayo ay mabuhay. Ang kagustuhuna, kahit wala nito ay mabubuhay pa rin tayo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng kagustuhan na mayroon ang isang tao.
- Cake
- Softdrinks
- Mansion o bungalow na bahay
- Dress, gown, tuxedo
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa kahulugan ng kagustuhan, mangyaring sumangguni sa sumusunod na link:
https://brainly.ph/question/300144
Kailan nagiging pangangailangan ang kagustuhan?
May mga pagkakataon na hindi natin maaiwasan na maging pangangailangan ang mga kagustuhan natin. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga posibleng halimbawa.
- Ang tao ay may dalawang paa na maaaring gamitin upang makapunta sa kanyang paroroonan. Sa paglipas ng panahon ay nadebelop ang konsepto ng gulong, at hindi kalaunan ay ginamit sa paggawa ng sasakyan. Mabubuhay ang tao kahit siya ay walang sasakyan. Hal. Si Michael ay nakatira sa Rizal ngunit siya ay nagtatrabaho sa Taguig. Araw-araw ay inaabot siya ng mahigit apat na oras sa byahe, hindi pa kasama ang pawis at pagtitiis na kanyang nararanasan sa loob ng bus. Sa tuwing nakakakita siya ng katrabaho na may sasakyan ay naeengganyo siyang bumili rin. Hindi niya ito kailangan subalit ito ay kanyang kagustuhan. Makalipas ang ilang taon, mas lalong lumala ang trapik sa daan kung kaya't para hindi masayang ang kanyang oras at dahil na rin sa layo at pagod ng byahe ay nagpasya siyang bumili ng sasakyan. Dito makikita natin na ang simpleng kagustuhan ni Michael ay naging pangangailangan lalo na kung gusto niyang hindi malate sa trabaho.
- Sa paglipas ng panahon ay patuloy na umuusbong ang teknolohiya at Siyensiya. Nitong dekada lamang ay halos higit sa isang libo ang klase ng cellphones na nadebelop at nagtataglay ng mga features at malinaw na camera. Hindi natin kailangan ng cellphone upang tayo ay mabuhay, lalo na at may mga tao sa probinsya o sa malalayong lugar na ilang taon nang nabubuhay subalit hindi pa nakakakita ng cellphones. Gayunpaman, ay hindi natin maitatanggi na ang cellphone ay isang bagay na ating kailangan upang makapag usap tayo sa ating mga kapamilya at kaibigan kahit saan man sila. Dahil dito, ang cellphone ay nagiging pangangailangan ng isang tao mula sa simpleng pagiging kagustuhan lamang. Mula sa cellphone, ito ay naging smartphone at kasalukuyan pa rin na dinedebelop