Sagot :
Ningning at Liwanag
Sagot:
Ang Ningning at Liwanag ay higit na sumasalamin sa hindi maikakailang ugali ng tao sa silaw ng karangyaan at yamang pisikal. Mahina ang mga tao kung tutuusin pagdating sa paghangad ng kapangyarihan at titulo sa mundong ating ginagalawan. Ito ay ang katotohanang walang sinuman ang aamin o mangaangkin. Tayong lahat ay may dignidad ngunit nasa sa atin parin kung sa paanong paraan natin isasalarawan ang dignidad, mawaring bilang tao, o hindi naman kaya bilang isang mamumuno.
Masasalamin ang ugali ng tao ng tulad sa pahayag ng sa Ningning at Liwanag:
- Tayo ay higit na naaakit sa mga ningning sa buhay.
- Paghuhusga sa taong nasa lilim ng karuaheng ‘di tiyak ang pinanggalingan.
- Pagsamba sa mga may kapangyarihan.
Paliwanag:
- Ang mga ningning na nagmumula sa makintab na bagay, na kahit ito ay isang bubog ito ay ating pupulutin. Nais nating mapasakamay ang mga bagay na nakakaakit, dahil sa simpleng dahilan na ito maganda.
- Tulad ng nabanggit sa Ningning at Liwanag, ang taong nasa karuaheng hila hila ng kabayo ay malamang isang importanteng nilalang. Sa marangya na transportasyon, maaring siya ay may yamang walang kasing katulad o hindi kaya ito’s ay ninakaw niya lamang. Tayo ay humusga sa bagay na hindi natin ang pinanggalingan kasi mas madali at mas mabilis ang ganoon.
- Ang may kapangyarihan ay higit na makakatulong sa ibang tao, kung kaya’t ang pagsamba o pagkapit sa kanila ay parang pagkamit na rin ng kanilang yaman.
Mahirap ikaila na ito ay nangyayari magpa hanggang sa kasalukuyan. Mga negatibong bagay na alam nating mali pero tuloy parin. Sa mga paghuhusga na kasing bilis ng kidlat, hindi natin nalalaman ang tunay na pinagdaanan. Ang mga ningning ay galing sa sinag ng araw, kung tunay nga na likas ang kagandahang loob. Walang ni isang tao ang maghahangad ng ningning, dahil wala ang sinumang nais pang tumaas sa iba. Maging maalam tayo sa mga pinanghahawakan natin, maaring maghusga ngunit dapat ay may pag-iisip munang gawin. Magandang matuto tayong:
- linawin ang mga matang maaring mabulag sa ningning
- hanapin ang tunay na liwanag
- maging matalino sa bawat gawa
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Simbolismo sa ningning at liwanag: https://brainly.ph/question/342314
Kaibahan ng liwanag at ningning: https://brainly.ph/question/1149480
Ningning at liwanag buod: https://brainly.ph/question/149057