Ang mga tao sa Iloilo ay tinatawag na Ilonggo. Ito rin ang tawag sa kanilang wikang ginagamit o mas sikat sa pormal na tawag na Hiligaynon. Karamihan sa mga Ilonggo ay may halong dugong Kastila kaya sila ay mga mestizo.
Kilala ang distrito ng Jaro sa kanyang buhay na mga pista. Isa sa mga tradisyon ng mga Ilonggo ay ang kakaibang pagdiriwang nila ng Kapaskuhan, mula sa maiingay na kampana tuwing simbang gabi at ang pagsasagawa ng Viva Parol o ang sabay-sabay na pagkanta sa saliw ng iba’t-ibang kantang pang-Pasko. Kakaiba din ang pagsasadula nila sa panuluyan sapagkat ito ay nasa sarili nilang wika na Hiligaynon. Ilan lamang ito sa nagpapakita ng makulay at mayaman na tradisyon at kultura ng mga Ilonggo.