Ano ang kahalagahan ng Lokasyon ng pilipinas?

Sagot :

Mahalaga ang Lokasyon ng Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Maaaring maging sentro ito ng pamamahagi ng iba't ibang produkto at kalakaln mula sa ibang bansa ng Timog-Silangang Asya at ng mundo dahil daanan ang Pilipinas ng sasakyang dagat at panghimpapawid ng iba't ibang bansa.
  2. Nagkaroon ng impluwensyang silanganin at kanluranin mula sa mga bansa sa Europa at Amerika ang ating katutubong kultura.
  3. Sentro din ito ng komunikasyon,transportasyon at gawaing pangkabuhayan sa Timog Silangang Asya
  4. Angkop ang lokasyon ntio para pangkaligtasang base laban sa pagsalakay ng mga bansa sa Silangan. Naging base militar ito ng Amerikano

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/320633

Dalawang (2) Paraan sa Pagtukoy ng Lokasyon  

  1. Tiyak o Absolute  - Ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longitud at latitud o paggamit ng sistemeng grid.
  2. Relatibo - ay matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid dito. Maaaring ito ay:
  • Insular - natutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyong-tubig na nakapaligid dito
  • Bisinal - naitutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pag-alam sa mga bansang katabi o nasa hangganan nito.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: brainly.ph/question/616706 brainly.ph/question/589805