ano ang kahulugan ng nagliliyab?

Sagot :

Answer:

Ang salitang nagliliyab ay nangangahulugang nag-aalab na ibig sabihin ay sumilakbo kung saan tumutukoy ito sa masidhing damdamin ng tao o pangyayari. madalas mangyayari ito sa kahit saang aspeto ng buhay. Nagliliyab lamang ang isang bagay o tao kung ito'y nasa sukdulang pangyayari na. Hindi maging magandang pangyayari ang salitang nagliliyab dahil ito'y sisira talaga sa buhay ng tao.

Explanation:

Ano nga ba ang naging sanhi ng nagliliyab?

May dalawang uri ang naging sanhi ng pagliliyab at ito ay mula sa taong may kaaway at sa mga pangyayaring sakuna. Isa-isahin natin ang dalawang sanhing ito.

Taong may kaaway.

Hindi mapalagay ang taong may kaaway lalo na kung ito'y ayaw magpatalo, kaya't hindi nagpapatalo sa kahit anumang mga pagbabangayan hanggang nagliliyab ito sa galit at susugurin ang naging kaaway nito.

Sa anong mga pangyayari ang taong nagliliyab sa galit?

Mga halimbawa:

1. Mag-asawang di magkasundo.

2. Magkatrabahong nagkainggitan.

3. Magkaklase na ayaw magpatalo.

4. Magkasintahang di pagkaunawaan sa pag-uugali.

5. Pamilyang walang pagkakaisa sa look ng tahanan.

Mangyayari lamang ang pagliliyab sa galit kung talagang wala ni isang magpakumbaba. Mas lalong masisira ang kalooban ng isa kung hahayaan niyang magpadala siya sa galit. Kaya mas mainam isipin muna ang maging kahinatnan upang sa huli ay walang pagsisihan.

Mga pangyayaring sakuna.

Lahat ng sakuna ay pwedeng tawaging nagliliyab lalo na kung ito'y masidhing sakuna na. Pero mas nakatuon ang salitang nagliliyab sa sunog kung saan ang apoy nito ay nakakapinsala sa kahit anong bagay na natupok nito. Magbigay tayo ng mga halimbawa nito.

Mga halimbawang nagliliyab sa sunog.

  • Sumabog na tangke ng gas.
  • Sumabog na bulkan.
  • Bahay na natutupok ng apoy.
  • Madamong bulubunduking natupok ng apoy.
  • Mga gusaling nasusunog.

Kahit sa anong pangyayari man ang naging sanhi ng sunog, hindi talaga ito nagbibigay ng kaayusan sa buhay ng tao. Ito'y klaseng pangyayaring walang maibibigay na kaligayahan sa buhay ng tao maliban nalang sa sinadyang pagsunog.

Ang ilan sa mga kasingkahulugan ng salitang ito ay :

1. Nagniningas

2. Nag-aalab

3. Naglalagablab

4. Nakasisilaw

5. Maalab

6. Nag-aapoy

7. Marubdob.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol topikong ito, ay maaari lamang pong buksan ang mga link sa ibaba:

Anu ang magkaugnayang kahulugan ng nagliliyab?

  • https://brainly.ph/question/159314

Ano-ano ang magkasing kahulugan ng nagliliyab, mahirap, mahirati, mahumaling? Example please.

  • https://brainly.ph/question/158873

Magkaugnay ang kahulugan ng nagliliyab,pagmasid, pagmasdan, mahirap,  wastong pag-iisip, intelektuwal, mahirap at mahumaling?

  • https://brainly.ph/question/159038