ano ang ideya ng kabutihan ay manatili sa huli ay matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi

Sagot :

Answer:

Angkop ito sa paggawa ng kabutihan sa lahat ng aspeto sa buhay dahil kahit pagbali-baliktarin man natin ang sitwasyon, kabutihan pa rin ang magwawagi laban sa kasamaan. Makakamtan mo lamang ito kung sa bawat ginagawa mo iniisip mo ang kapakanan ng mga taong nasa paligid mo. Na laging paiiralin at mananaig ang kabutihan sa iyong puso. Sa isang sitwasyon na kung saan ginagawan ka nila ng masama, hindi mo kailangang gumanti.

Explanation:

May kasabihan ang puntong ito. “ Kung ang puno ay may madaming bunga hindi ito namimigay sa tao, sapagkat hinahayaan niya ang taong kukuha ng bunga nito ”. Ibig sabihin kung may taglay na kabutihan ang tao, ay yun ang kanyang bunga at hindi niya ito maaaring ituturo sa tao dahil ang tao na mismo ang nakakapansin nito at maaaring gumaya, lalo na kung nagdudulot ito ng magandang kahinatnan.

Mga leksyon na makukuha:

1. Kahit saang aspeto ng buhay, kabutihan padin ang mananaig.

2. Bawat pagsubok ikaw ay magiging subok na.

3. Makamtan lamang ang kabutihan kung itoy pinagsisikapan.

4. Mananalo ang hindi makipagtalo.

5. Ang totoong masaya ay walang inaapakang iba.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kabutihan at Di-kabutihan ng ringgit, ay maaaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/2142084

Hindi biro ang pakikipagpunyagi sa kabutihan lalo na kung ikaw ay nasasaktan ngunit kung iisipin ang maging kahinatnan ay mananatili parin ang kabutihan”. Totoo ito dahil kahit anong teleserye o pelikula sa sine man o sa tv ay wala talagang kasamaan ang ending. Kung may ending man na kasamaan ang nanaig, ito ay may kasunod na part na ipapalabas padin.  

Bakit kailangang makipagpunyagi muna bago makamtan ang kabutihan?

Mga halimbawa:

  • Dahil patunay lamang ito kung ano ang nasa iyong saloobin.
  • Pagpapakita ito ng iyong kakayahang gumawa ng kabutihan.
  • Hindi ka umaatras sa mga hamon ng buhay.
  • Totoong taglay mo na nga ang kabutihan.
  • Upang matama ang mga pagkakamali na sanhi ng pagkadi-sakdal na katangian.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ang kaibahan ng kabutihang panlahat sa kabutihang nakararami, ay maaaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/129193

Mangyayari bang manatili ang kabutihan kung dika makikipagpunyagi?

Hindi. Dahil hindi masusubukan ang iyong katangiang taglay, kung ano talaga ang makakaya mo o ang pagkatao mo, kung di ito makikita sa iyong pakikipagpunyagi. Kadalasan hindi ikaw ang makakapansin sa mga  katangiang taglay na mayroon ka dahil pwede nating dayain ang ating sarili na tayo talaga ay may taglayng kabaitan ngunit ang totoo ang iba ang nakakapansin nito.

Magiging mabuting huwaran din ang taong nakakaranas ng matinding mga pagsubok sa buhay ngunit di ito sumusuko, sapagkat hinaharap niya ito ng buong tapang at talagang nagtitiwala sa Diyos na Jehova hindi sa kanyang sariling kakayahan. Masasabi lamang nating nagtagumpay ang isang tao kung nakikipagpunyagi siya sa lahat ng mapanghamon na panahon. Dahil kung hahayaan natin ang ating sarili na matangay sa takot na makipagpunyagi ay malamang hindi makikita ang subok ng ating kakayahang humarap.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa akoy huwaran at kapakipakinabang, ay maaaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/2107670