Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala, ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit yaong mga nasa silangan at timog-silangang Asya.