magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala

Sagot :

Answer:

Ang pagtitiis ay tutulong sa ating maligtas. At kung hahayaan nating aliwin tayo ng ating mga huwad na akala ay maaari tayong maisapanganib nito. Kung magpapadalus-dalos tayo ay maaari din tayong makagawa ng maling desisyon na magpapahamak hindi lang sa atin kundi yaon ding sa iba. Matatawag na matapang ang tao kapag taglay ang katangiang mapagtiis sa kahit saang aspeto ng buhay.

Explanation:

Paano malalaman ang taong matiisin?

Palatandaan sa taong matiisin:

1. Hindi napapagod sa paghihintay.

2. Kahit nasasaktan hindi lumalaban.

3. Hindi umuurong sa mga pagsubok.

4. Hindi gaanong nagbigay pansin sa mga hamon sa buhay.

5. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kasingkahulugan ng pagtitiis, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/537342

Ang taong hindi matiisin ay gustong aliwin ang sarili sapagkat ayaw niyang nasasaktan siya. Ang mga mag-asawa kung walang pagtitiis kadalasan ay humahantong ito sa hiwalayan.

Paano ito mangyari?

Pwedeng mangyari sa mag-asawang di matiisin:

  • Ayaw makipagbati sa asawa kung may tampuhan bagkos nikikipag-inuman sa mga kaibigan.
  • Hindi nagpapatalo.
  • Madaling mainis.
  • Hindi makatiis sa asawa kaya nagtataksil.
  • Hindi madaling makasundo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Magtiis kaysa aliwin angmga huwad na akala, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/145836

Isa sa naging dahilan sa di pagkakasundo ng mga tao ngayon ay kulang sa pagtitiis. Nagagalit kaagad kahit hindi pa alam ang totoong sitwasyon o pangyayari.  

Ano ngaba ang magiging benepisyo sa pagkamatiisiin?

Mga benepisyo:

1. Hindi madaling nagagalit, makakabuti ito sa kalusugan.

2. Positibo kahit nakaranas ng kasawian.

3. Magkakaroon ng matibay na relasyon ang pamilya.

4. Masiyahin sa kabila ng mga problema.

5. Mabuting huwaran sa kapwa.

Hindi biro ang pagkakaroon ng katangiang matiisin dahil halos araw-araw ay mapanghamon ang panahon, datapuwa’’t magkakaroon lamang ng katangiang ito kung hingin ito sa may-ari ng pagkamatiisin ang Diyos na Jehova. Kaya makakabuti ang pagkamatiisin sa buhay ng tao dahil magiging mapayapa ang buong mundo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Patunayan ang kasabihang kakambal ng paghihirap at pagtitiis at tagumpay, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/1313171