Ano ba ang Taong tabon?

Sagot :

Ang taong tabon ay nahukay sa kweba ng tabon sa Palawan noong 1962, mga 22, 000 taon na ang nakakaraan. Ito ay isang fossilized na bungo. Nahukay ito kasama ng mga gamit nila. Ang hitsura ng taong tabon ay halos kapareho nang ating pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. Mataas ang noo na hindi gaanong matambok. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli na ang baba. Maunlad sila sa kagamitan tulad ng lanset. Sila rin ay tinatawag din na "nakatatandang marunong na tao" dahil marunong na silang mag-isip at alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid.