Ano ang Continental
Drift Theory?


Sagot :

Answer:

Continental Drift Theory

Ang Continental Drift Theory ay isang teorya na naglalayong bigyang paliwanag ang paggalaw ng mga kontinente at kung paano nila narating ang lugar na kanilang kinalalagyan sa mundo sa kasalukuyan. Ito ay unang inilathala ni Alfred Wegener, isang geophysicist at meteorologist noong taong 1912.

Bukod dito, sinusubukan ding ipaliwanag ng Continental Drift Theory kung bakit ang magkakamukha o magkakaparehon uri ng halaman, hayop, at mga bato o rock formations ay makikita sa iba't ibang kontinente.

Pangea

Ayon kay Wegener, noong unang panahon ay mayroong isang malaking kontinente na tinawag niyang "Urkontinent", mula sa salitang "ur" na ang ibig sabihin ay una o orihinal at "continent". Sa kasalukyan, ito ay tinatawag na Pangea, na ang ibig sabihin ay "lahat ay lupa" sa salitang Griyego. Pagdating ng Triassic Period na nagtagal mula 251 na milyon hanggang 199.6 milyong taon na ang nakararaan, ang Pangea ay nahati at ang mga pirasong ito ay nagsimulang gumalaw palayo sa isa't isa.

Noong 1938, ang isang South African na geologist na nagngangalang Alexander L. Du Toit ay binago ang teoryang ito ni Wegner. Ayon sa kanya, may dalawang sinaunang kontinente. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Laurasia sa hilaga
  2. Gondwana sa Timog

Sa kasalukuyan, mayroong pitong malalaking kontinente sa mundo. Ito ang mga sumusunod:

  • Asya
  • Africa
  • Europe
  • Antartica
  • Australia
  • Hilagang Amerika
  • Timog Amerika

Mga ebidensyang sumusuporta sa Continental Drift Theory

  1. Pagkatunaw ng yelo noong 380 milyon hanggang 250 milyong taon na nakararaan
  2. Magkakaparehong bato na makikita sa America at Atlantic
  3. Magkakaparehong fossils na makikita sa America at Atlantic
  4. Ang grupo ng mga bato na makikita sa baybayin ng Brazil ay tugma sa makikita sa kanlurang Africa

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Kung sino si Alfred Wegener

https://brainly.ph/question/812408

Iba pang teorya sa pagkabuo ng mga kontinente

https://brainly.ph/question/803439

Kahulugan ng Pangea

https://brainly.ph/question/488842