Marami ang kahulugan ng oasis lalo na sa kung paano ito ginamit sa pananalita o pagsulat. Subalit, sa palasak na kahulugan ng salita, ang oasis ay isang anyo ng tubig na nabubuo sa gitna ng disyerto. Madalas itong tampok sa mga sulatin o kuwento sa mga paglalakbay na nasa disyerto ang pinangyayarihan.