Sagot :
Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay:
10 degree south hanggang 90 degree north latitude
11 degree hanggang 175 east longitude
Umaabot hanggang 164 degree longitude at 85 degree latitude
Ano ang Asya?
Ang Asya ay isa sa mga kontinente na may pinaka malaking bilang ng populasyon sa mundo. May sukat itong 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ang populasyon nito ay halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Apatnapu’t walo ang mga bansa na nasa Asya.
- Ang salitang Asya ay nagmula sa Asis (Aegean: maputik) at Asu (Semetic: pagsikat o liwanag)
- Ito ang pinaka malaking kontinente sa daigdig.
- Ito ay nahahati sa limang rehiyong heograpikal; Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya.
- Ito ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan.
- Ang mga kilalang kabihasnan na nagmula sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo.
- Dito matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko.
- Sa Asya nagsimula ang Hinduismo, Budismo, Kristiyano, Islam
Mga teritoryo ng mga bansa at rehiyon sa Asya:
Gitnang Asya
Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tayikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.
Silangang Asya
China, Hong Kong, Macau, Japan, Hilagang Korea, Timog Korea, Taiwan, Mongolia.
Hilagang Asya
Rusya
Timog Silangang Asya
Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia, Philippines, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, at Silangang Timor
Timog Asya
Pakistan, Bangladesh, Nepal, Bhutan, India, Sri Lanka, at Maldives.
Timog Kanlurang Asya
Afghanistan, Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, United Arab Emirates, West Bank, at Yemen.
Uri ng Anyong Lupa ng Asya
1. Bulubundukin (hanay ng mga bundok)
2. Bundok
3. Talampas
4. Bulkan
5. Disyerto
6. Kapuluan o Arkipelago
7. Pulo
8. Tangway o Peninsula
9. Kapatagan
Uri ng Anyong Tubig sa Asya
1. Dagat
2. Ilog
3. Lawa
4. Kipot (Strait)
5. Golpo
6. Look (Bay)
Mga halimbawa na kilalang atraksyon ng turista sa Asya
Taj Mahal
Gyeongju Bulguksa Temple
Great Buddha of Kotokuin
Angkor Wat
Mt. Fujiyama
Great Wall of China
Forbidden City
Burj Khalifa
The Grand Palace
Phi Phi Islands
Petra
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng malawak na lupain ng asya? brainly.ph/question/1607497
#LearnWithBrainly