Sagot :
Huang ho
Tinatawag rin itong river of sorrow o China’s sorrow. Ito ay sa kadahilanan na bawat taon mayroong itong mahigit na 1.6 bilyong tonelada ng lupa na dumaloy mismo dito na naging sanhi mismo ng pagtaas at paglipat ng ilog. Madali itong bahain na nagdulot ng milyun-milyong tao ang namatay.
Iba pang detalye hinggil sa Yellow River
- Kabilang ang Huang Ho River sa pinakanakamamatay na sakuna sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. At base sa mga datos, sa pagitan nga ng 608 BC at 1938 AD, itong ilog na ito ay nagbago ng paraan ng kurso ng labing-anim na beses at mayroong binaha ng mahigit na isang libo at limang daang (1,500) beses.
- Tinuturing ito na pangalawa sa pinakamahabang ilog sa bansang China, pagkatapos ang Yangtze. Ito rin ang panglima naman sa pinakamahaba na ilog sa mundo na may sukat sa haba na 5,464 km (may 3,395 milya).
- Ang pangalan na yellow river ay nagmula mismo sa malaking halaga ng dilaw loess na sediment na maaaring dala-dala nito, na ito ay nabubulok kapag dumadaloy ito sa loess plateu. Kaya maituturing na ang ilog na ito na pangunahing sa may pinakamaraming siltation sa mundo.
- Kaya sa ngayon, ayon sa mga internasyonal na grupo ng mga siyentipiko, na natuklasan at nahanap na nila ang dahil kung bakit napakaraming mga sediment na nabuo sa ilog ng huang ho na may malayong distansya. At ito ang nagbibigay ng dilaw na kulay at nagiging sanhi mismo ng madalas na pag-apaw. Masasabing ang inialok na natuklasan nila ay paraan upang mapabuti ang paraan ng pagpaplano, pagtatayo at pamamahala ng mga proyekto ng ilog na ito.
Kung ikaw mismo ay may pagnanais pa makapagbasa ng karagdagang detalye hinggil sa ating paksa, maaaring bumsita sa mga link na ito na nasa ibaba:
Ang pinakamalaking ilog sa buong mundo: brainly.ph/question/1796781
Ang pinakamahabang ilog sa buong mundo: brainly.ph/question/2818205
#BrainlyEveryday