Ang salitang nahihimbing ay isang uri ng pananalita na napapabilang sa eupemismo, na siyang katawagan sa mga katagang ginagamit upang humalili sa mga salitang may kadalasang opensibo o negatibong konotasyon.
Maliban sa paraan ng pagtulog ang nahihimbing, madalas din itong nangangahulugan na namayapa o namatay na ang pinagtutukuyan ng salitang ito.
Halimbawa:
Diyan sa Libingan ng mga Bayani nahihimbing ang katawan ng mga bayani, maliban sa diktador na si Ferdinand Marcos na hindi naman isang bayani.