Sagot :
Pinagmulan ng Salitang Asya
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ganoong malinaw kung saan nagmula ang salitang Asya. Alamin pa natin ang ilang teorya ng mga sumusunod:
- Si Herodotus at ang Asya
- Ang Aegean Sea at ang Asya
- Ang Akkadian at ang Asya
- Ang Phoenicia at ang ang Asya
Si Herodotus at ang Asya
Pinaniniwalaan ng iba na ang kauna-unahang nakatangi nito ay si Herodotus (440BCE). Ang salitang "Asia" ay maaaring hinuha sa salita ng Sinaungang Griyego, "Ἀσία".
Ang Aegean Sea at ang Asya
Ito ay orihinal na itatawag lang dapat sa silangang bahagi ng Aegean Sea lugar na kilala sa tawag na "Assuwa" para sa mga Hittites. At dahil mga mas kilala ang ngalang "Assuwa", maari ring dito hango ang salitang "Asia".
Ang Akkadian at ang Asya
Ang iba namang datos ay sinasabing maaaring nakuha sa salitang Akkadian na "asu" ang "Asia" (c. 1300) na ang ibig sabihin ay "to go out", "to rise," o "the land of the sunrise".
Ang Phoenicia at ang ang Asya
Ngunit may isa pang teorya kung bakit "Asia" ang tawag natin sa pinakamalaking kontinente ng planeta. Ang ilang historians at mananaliksikay sumuri at naniniwalang galing ito sa salitang Phoenicia na "asa" na ang ibigsabihin ay "East" o Silangan sa Tagalog.
Maikling Impormasyon sa Asya
- Sinasaklaw ng kontinenteng Asya ang halos ikatlong bahagi ng mundo.
- Ito ay may 48 na bansa at may pinakamaraming wika at diyalekto.
- Sa link na ito: https://brainly.ph/question/120677 , mababasa natin ang lawak ng Asya sa buong Daigdig.
- Mababasa natin ang napakalaking bilang ng bansa at kabsera nito sa link na ito: https://brainly.ph/question/578002 .
- Ang alpabetong Phoenicia ay umiral na sa sinaunang Mesopotamia. Basahin ito sa link na ito: https://brainly.ph/question/330545.