ano ang mga isyu tungkol sa mediterranean ?


Sagot :

Sa kabila ng mga pamana ng kabihasnang MESOPOTAMIA AT MEDITERRANEAN, nagkaroon din ng mga isyu noon.


Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba't ibang mga bagay.


Sa aspetong arkitektural, ang isang ziggurat ay nagsisilbing tahanan ay templo ng diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat. Pinaniniwalaang ang Tower of Babel na mababasa sa Bibliya ay isang ziggurat.


Pinasimulan naman ng mga Hebrew ang pagsamba sa iisang diyos o monotheism. Samantala, sa pamamayani ng Imperyong Persian sa Kanlurang Asya, lumaganap ang relihiyong itinatag ni Zarathustra o Zoroaster ang Zoroastrianism.


Pinamunuan ni Darius the Great ang Persia tinulungan ng Athens ang Eretria sa Asia Minor nagpadala ng hukbong pagdigma sa Gresya.

Nagkaroon ng lider na malupit.  Ito ay si Pisistratus, ang humawak ng kapangyarihan sa pamahalaan ng mga Griyego at isang tyrano.  Ang sino mang humawak ng katungkulan sa pamahalaan sa pamamaraang hindi naaayon sa batas o kaugalian ay tinatawag na tyrant.


Sa ngayon kasingkahulugan ng tyrant ang pinunong malupit o mapaniil 


Ipinatapon ni Pisistratus ang aristokratang tumangging tumangkilik sa kanya, at ang kanyang mga partido lamang ang makapangyarihan. Naupo rin bilang tyrant ang kanyang anak na hindi naging tanyag at itinaboy sa Athens.


Unang naganap ang digmaang Greeks at Romans noong 280 BCE, nagwagi ang Greece dahil sa tinulungan si Haring Pyrrhus ng kanyang kapatid ng kanyang pinsan na si Alexander the Great.(Pyrrhic Victory).

Ang Unang Digmaang Punic - Ito ay naganap sa Sicily.  Natalo ng mga Romano ang mga Carthaginian at ito'y pinilit na magbayad ng malaking bayad-pinsala at isuko ang Sicily sa Rome.

Nagbigay-daan ang pagwakas ng Republika sa pagtatatag ng imperyo at pagtigil ng digmaang sibil at pagsisimula ng panahon ng Pax Romana o Roman Peace.

Nagdudulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Romano ang matagumpay na pananakop ng imperyo.
View image Ncz