ano ang tawag sa paaralan ng mga muslim?

Sagot :

Paaralan ng mga Muslim

Tinatawag na Madrasah ang tinaguriang paaralan ng mga Muslim. Nagsimula ang terminong ito noong ika-11 na siglo sa pangunguna ng isang iskolar na nagngangalang Nizam Al-Mulk. Nagmula ang terminong Madrasah sa wikang Arabe na mayroong literal na kahulugang paaralan o eskwelahan.  

Ang kauna-unahang naitatag na Madrasah ay sa Mecca, kung saan nakasentro ang relihiyong Islam sa bansang Saudi Arabia. Pangunahing itinuturo sa mga mag-aaral sa Madrasah ang relihiyong Islam gayundin ang sining, kaligrapiya, pagsakay sa kabayo, pagsulat, at marami pang iba.  

Ang lahat ng mga aral na itinuturo sa Madrasah ay naaayon sa kanilang banal na aklat, ang Qur'an.

#LetsStudy

Mga mahahalagang aral ng relihiyong Islam: https://brainly.ph/question/1827017 (nakasalin sa wikang Ingles)