Sagot :
Ang ibig sabihin ng “mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon” ay mas mainam daw na maging tagasunod ka ng isang tao na hindi naman ganun karami ang pera ngunit sa mabuting gawain naman nakatuon ang kanyang pansin. Parang sa politika mas mainan na manilbihan ka o mag paalipin ka sa isang namumuno sa bayan na hindi ganun kayaman kahit hindi naman ganun kalaki ang iyong kita basta ang mahalaga ang taong pinagsisilbihan mo ay may mabuting hangad sa kanyang mga nasasakupan.
Ang mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon ay isang halimbawa ng salawikain
Salawikain- ito ay nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ito’y parabulang patalinhaga at nagbibigay -aral,lalo na sa kabataan. Nagiging batayan din ito ng magandang pag-uugali ng mga Pilipino.Ang bawat salawikain din ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa pakikipag-kapwa tao,kabutihang asal, pagmamahal at paglilingkod sa diyos,pamamalasakit sa bayan.
Iba pang halimbawa ng mga salawikain:
- Ang awa ay nasa diyos nasa tao ang gawa.
- Ang magalang na sagot,ay nakakapawi ng poot.
- Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
- Ang hindi napagod magtipon,walang hinayang magtapon.
- Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
- Madali ang maging tao mahirap magpakatao.
- Ang sakit ng kalingkingan,dama ng buong katawan.
- Kapag bukas ang kaban,nagkakasala sinuman.
- Sa taong may tunay na hiya,ang salita ay panunumpa.
- Hindi biro ang pag aasasa, “Di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
https://brainly.ph/question/1643226
https://brainly.ph/question/221152
https://brainly.ph/question/495521