Learning Activities Gawain/Pagsasanay Bilang 5: Magkaroon ng pagmamasid sa inyong lugar kung ano ang praktis sa pagtatapon ng basura. Humingi ng tulong sa myembro ng iyong pamilya upang maisakatuparan ang gawaing ito. Paalala lamang na magkaroon ng pagsunod sa mga hinihinging "Protocol" para iwas sa lumalaganap na virus ngayon.Itala ang nakalap na impormasyon sa iyong kwaderno. Buuin ang obserbasyon na nakalap. Pag-usapan ito kung paano masosolusyunan at isulat ang inyong napagkasunduan sa pamamagitan ng isang talata.