Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung alin sa mga ito
ang nagsasaad ng katotohanan at ng opinyon lamang-

1. Si Sharon Cuneta ang pinakamahusay na aktres sa
Pilipinas.

2. Ang ating mundo ang pangatlong planeta na pinakamalapit
sa araw.

3. Ayon sa banal na aklat, ang pagsisinungaling ay masama.

4. Labag sa batas ang magbenta ng sigarilyo sa mga bata.

5. Mabuting libangan ang paglalaro ng mga online games.

6. Ang Bulkang Mayon ay isa sa magagandang tanawin sa
Pilipinas na matatagpuan sa Albay

7. Mas mainam alagaan ang pusa kaysa sa aso.

8. Nagdudulot ng kamalasan ang pagwawalis sa gabi.

9. Lahat ng tao ay nilikha na may kalakip na suwerte at kamalasan
sa buhay.

10. Ayon kay Dr. Jose Rizal ang mga katagang "ang kabataan ang
pag-asa ng ating bayan."​