Panuto: Isulat ang titik T kung tama at M kung mali

1. Ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay:
“ano ang lilikhaing produkto at serbisyo, “paano lilikhain ang produkto at serbisyo, “para kanino ang lilikhaing produkto at serbisyo,” at “magkano ang lilikhang produkto at serbisyo”.

2.Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao kaya nagkakaroon ng kakapusan.

3. Ang alokasyon ay pag-aaral kung paano gumagawa ng mahahalagang desisyon ang pamhalaan.

4. Ang sistemang pang-ekonomiya ang nagsisilbing gabay sa pagsagot sa dalawang pangunahing katanungang pang-ekonomiya upang maisagawa nang wasto ang alokasyon.

5. Walang kaugnayan ang alokasyon sa pagsagot sa apat ng katanungang pang-ekonomiya?

6. Walang sistemang pang-ekonomiyang sinusunod ang Pilipinas.

7. Sa Pinag-uutos na Ekonomiya, ang pamahalaan ang nagsisilbing central authority at nagtatakda ng gagawing produkto at serbisyo, kung paano ito lilikhain at kung paano rin ito ipapamahagi.

8. Ang pinaghalong patakaran at ideolohiya ng Pinag-uutos na Ekonomiya at Pampamilihang Ekonomiya ay tinatawag na Mixed Economy.

9. Sa Tradisyunal na Ekonomiya, ang mga pamilya, tribo o clan ang nangangasiwa sa produksiyon at pamamahagi ng mga produkto at serbisyo.

10. Sa Pampamilihang Ekonomiya, ang mga mamimili ay maaari ring lumahok sa pagnenegosyo o magbenta ng kanilang kakayahan (labor) sa kung anong hanapbuhay ang nais nilang gawin.​