ano ang kahalagahan ng mitolohiya?

Sagot :

Answer:

Mitolohiya

Ang mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.   Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.

Kahalagahan Mitolohiya

  • Napakahalagang pag-aralan ang mitolohiya dahil ito ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ay tungkol sa mga kwento ng mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.  
  • Mahalagang malaman natin ang mga kwento tungkol sa mga sinaunang diyos at diyosa dahil ito ay bahagi na ng ating kasaysayan.
  • Upang ating mas maunawaan at maintindihan ang ating kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon ng ating bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan.  
  • Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.  
  • Ang miitolohiya ay napapagana ang mayaman na imahinasyon at malikhaing pag-iisip nating mga Pilipino.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:

Gamit ng Mitolohiya: brainly.ph/question/136899

Halimbawa ng Kwento ng Mitolohiya: brainly.ph/question/460369

Pinagmulan ng Mitolohiya: brainly.ph/question/1478099

#BetterWithBrainly