13. Isa sa mga patakaraang ipinatupad ng mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Sino-sino ang sapilita
pinagtrabaho sa patakarang ito?
A. Mga kababaihan C. 14 taong gulang pababa
B. 70 taong gulang pataas D. Mga kalalakihan​


Sagot :

16-60 taong gulang

Explanation:

Ang isa pa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang "Polo y Servicios" O sapilitang paggawa. Sakop nito lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa pagawaan ng pamahalaang Espanyol, gaya ng pagpapatayo ng tulay, simbahan at paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon. "Polista" ang tawag sa mga naglilingkod dito. Sila ay Nagtratrabaho ng 40 araw sa pamahalaan, ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong '1884'. May ilang polistang isinama ng pamahalang Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.

Makaliligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may kakayahang magbayad ng 'Falla' o multa bilang kapalit ng kanyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang mga may katungkulan sa pamahalaang gaya ng 'Gobernadorcillo', 'Cabeza De Barangay', at iba pang miyembro ng 'Principalia' ay ligtas dito.

Maraming Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtratrabaho sa malayong mga lugar. Napabayaan din nila ang kanilang mga sariling kabuhayan at kadalasan lumalagpas pa sa takdang araw ang kanilang pagtratrabaho. Dahil sa polo, maraming mga gusali ang napatayo. Sa katunayan ang maraming lumang simbahan na meron tayo ay naitayo rin ng mga polista. Ngunit kahit na umunlad ang ating bansa ay marami naman ang nahirapan O mas higit pa ay namatay pa na hindi lang nakita o nadalaw ng kanilang Pamilya. Huwag magpagawa ng sapilitan dahil wala kang karapatan Sa isang tao na pahirapan ito.