Sagot :
Answer:
Oo, dahil maliwanag na ipinahiwatig nito na ang pagkakaroon ng edukasyon ay ang tanging daan upang mabuksan natin ang ating kaisipan sa kung ano ang katotohanan sa mundong ating ginagalawan. Itinataguyod ng sanaysay na ito ang kahalagahan sa pagkakaroon ng edukasyon upang magkakaroon ng liwanag ang buhay ng tao.
Explanation:
Paano natin masasabi na talaga ngang may kahalagahan ang pagkakaroon ng edukasyon?
Mga benepisyo ng edukasyon:
1. Matutong magbasa.
2. Marunong magsulat.
3. Marunong magbilang ng kita.
4. Mas madaling makaintindi.
5. Maraming malalamang impormasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Meaning of edukasyon, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/244774
Sa katunayan lang, kung walang edukasyon ang tao ay pahirapan ang pag-unlad. Hindi magkakaroon ng sapat na trabaho ang mga tao kung di din maunlad ang ating lupang tinitirhan.
Dahil sa maunlad na ang mundo ngayon, anu-ano ang mga nagawa ng tao na mas naging maalwan ang kanilang pamumuhay?
Mga naimbento ng tao dahil sa edukasyon;
Noon:
Paglalaba gamit ang kamay.
Pag-init ng tubig gamit ang takure.
Pagluto gamit ang kahoy.
Ilaw ay lampara.
Maglalakad lang pagpupunta ng bayan.
Pamaypay ay abaniko o kaha kahit anong meron na pwedeng pamaypay.
Mag-igib ng tubig sa balon.
At marami pang iba.
Ngayon:
1. Maglaba gamit ang washing machine.
2. May heater na para as mainit na tubig.
3. May stove na o mga di-kuryenteng mga lutuan.
4. May ilaw na gamit ang kuryente at battery.
5. Maraming uri ng sasakyan.
6. May electric fan na para di mainitan at kung may kaya ay aircon na talaga.
7. Hindi na gaanong uso ang balon at poso ngayon dahil de-gripo na ang mga tubig ngayon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ang kaibahan ng sinaunang edukasyon at kasalukuyang edukasyon, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/533772
Malaking naitulong ang edukasyon upang mas mapadali at maging maalwan na ang pagtatrabaho sa ngayon. Sa lahat ng nabanggit ay may mas makakatulong para sa karagdagang pag-unlad ng tao.
Malaking tulong sa pag-unlad:
- Cellphone.
- Computer.
Ang dalawang kagamitang ito ay napakahalaga sa atin ngayon dahil mas aangat pa ang pangangilangan ng tao dahil dito.
Mga benepisyo nito:
1. Cellphone- dahil sa angat ng teknolohiya ngayon ang cellphone ang siyang pangunahing tulong para magkakaroon ng komunikasyon ang sangkatauhan. Pwedeng magkakaroon ng magandang maidudulot ang cellphone pero sa kabila naman nito ay pwede ring maging sanhi ng pagkawasak ng pamilya. Talagang malaking tulong ito sa bahay, paaralan, negosyo, pamahalaan, kaibigan at lalo na sa emerhensiya.
2. Computer- ang lahat ng office ngayon ay pangunahing gamit na mayroon ay ang computer. Sa computer lahat inilagay ang mga impormasyon na kailangan, maging sa kompanya man o sa paaralan. Kaya napakahalaga ang computer ngayon dahil malaking tulong ito, tungo sa ikakaunlad ng pamumuhay ng tao.
Kaya kung wala ang edukasyon ngayon ay paano malalaman ng tao ang mga impormasyon ng sanlibutan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ang alegorya ng yungib, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/135418