Itinatag para maipatupad ang reporma sa lupa


Sagot :

Answer:

Ang Repormang Pansakahan

Kahalagahan ng Lupa sa mga magsasaka

•         Maraming magsasakang Pilipino ang patuloy na nangangarap na magmay-ari ng sariling lupa. Napakahalaga ng lupa para sa mga magsasaka. Ito ay katumbas ng kanilang buhay. Ang mga magsasaka ang tinagurian na gulugod o backbone ng ekonomiya.

Reporma sa Lupa        

•         Ang reporma sa lupa ay isang programa na naglalayon na pgkalooban ng sariling lupa ang mga maliliit na magsasaka. Ang paglilipat ng pagmamay-ari ng lupa ay isinasagawa ng programang ito

Mga Batas na may kinalaman sa Pagpapatupad ng Repora sa Lupa- ang pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka ay matagal na nilang inaasam, kaya ang bawat pangulo ng ating bansa ay nagpapatupad ng iba’t-ibng batas ukol sa reporma sa lupa upang magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap.

1902 Land Registration Act- Sa ilalim ng sistemang Torrens noong panahong amerikano ay ipinatupad ang pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga pilipino. Ang Torrens Title ang nagbibigay daan para agawin ang mga lupang matagal nang binubungkal ng mga magsasaka nang walang titulo. Dito umusbong ang Pilipinong may-lupa na nagmamay-ari ng hacienda.

1902 Public Land Act- Ang batas na nagbibigay-daan sa pamimigay ng mga lupang publiko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 ektarya

Batas Republika Blg. 1160- Itinatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration na nangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga pamilyang walang lupa

Batas Republika Blg. 1190- Nagbibigay ng prokteksyon at seguridad sa mga magsasaka

Agrikultural Land Reform Code- Ang mga lupang binili ng pamahalaan ay ipinagbili sa mga magsaska nang hulugan at sa parehong presyon na ibinabayad ng pmahalaan sa may-ari ng lupa.

Atas ng Pangulo Blg. 2 at 27- Ang Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinasailalim ang buong bansa sa reporma sa lupa. Ang Atas ng Pangulo Blg. 27 ang batas na magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at naglipta sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.

Batas Republika Blg. 6657- Ang Comprehensive Agrarian Reform Law ay nagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Sa ilalim ng programang ito, ang lahat ng publiko at pribadong lupaing agrikultural, anuman ang tanim ay ipamamahagi sa mga magsasaka na walang sarling lupa. Ang anak ng may-ari ay bibigyan ng tig-limang ektarya ng lupa.

Explanation:

I

HOPE IT'S HELP MARK THIS BRAINLEST PLEASE