at_answer_text_other
Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon. Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: walang kagaya sa merkado, isang pangangailangan, at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may kontrol ang mga monopolista, negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking porsyento ng kalakalan, at maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng mas mataas na kita. Kadalasan, may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan sila at hindi magaya ng iba ang kanilang produkto.