Ang mga karunungang bayan ay bahagi na ng
kasaysayan ng panitikan ng bansa. Kabilang sa mga buhay na karunungang bayan hanggang ngayon ay ang kasabihan,
sawikain, salawikain, bugtong, palaisipan, awiting bayan, alamat, epiko, mito
at marami pang iba. Ang mga ito ay patuloy pa ring itinuturo ng mga paaralan sa iba't ibang panig ng bansa.