Sagot :
Parabula ng tusong katiwala, may isang katiwala na gusto ng alisin o patalsikin ng kanyang amo dahil sa nabalitaan nito na nilulustay ng katiwala ang kanyang mga ari-arian ngunit bago siya nito tanggalin ay hiningan siya ng isang pag-uulat hinggil sa pangangasiwa niya ng mga ari arian. Ikinabahala ito ng katiwala sapagkat ayaw niya na maalis sa trabaho sapagkat ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal niya sa bukid at wala naman siyang alam na ibang trabaho. Dahil dito nakaisip siya ng paraan ipinatawag niya ang lahat ng mayroong utang sa kanyang amo. Mula sa kabuuang utang ng mga ito ay ginawa lamang ng katiwala na kalahati ang mga utang ng mga ito. Kung sakali man na tanggalin siya ng kanyang amo ay may ibang tatanggap sa kanya. Dahil sa ginawa niyang ulat ay natuwa sa kanya ang kanyang amo sa pag-aakalang di naman niya talaga winawaldas ang ari-arian nito. Ang parabula na ang Tusong Katiwala ay nagpapakita ng hindi katapatan ng isang tao na hindi natin dapat tularan, kahit sa maliit na bagay man yan o hindi dapat tayong maging tapat, para makamit natin ang pagtitiwala ng isang tao.
Ang Parabula ay isang kwento na hango sa mga banal na kasulatan o bibliya. Ito ay naglalarawan sa mga tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao at tiyak na ito ay laging kapupulutan ng aral.
Mga halimbawa ng Parabula
- Ang Parabula ng Mayaman at si Lazaro
- Ang parabula ng Alibughang anak
- Ang parabula ng Mabuting Samaritano
buksan para sa karagdagang kaalaman
kasaysayan ng parabula https://brainly.ph/question/154484
kahalagahan ng parabula https://brainly.ph/question/178745
kahulugan ng parabula https://brainly.ph/question/119628