ANO ANG KAUGNAYAN NG KLIMA SA MGA LIKAS NA YAMAN NA MATATAGPUAN SA ISANG LUGAR?

Sagot :

Ang klima ng isang lugar ay isa sa mga dahilan o salik sa pagpapaunlad ng mga likas na yaman upang mas lalo pa itong mapakinabangan ng mga mamamayan. Katulad na lang ng malamig na klima sa Baguio kung saan nakakapag-anyaya ito ng maraming turista at nakapagpalago ng turismo sa lugar na siyang ikinabuhay ng mga tao rito. Sa Baguio rin matatagpuan ang iba't ibang likas na yaman na sa malalamig na lugar lamang nabubuhay gaya ng strawberry at mga pino. Sa kabilang banda maaari ding makasira ang klima sa likas na yaman ng isang lugar. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng mataas na tag-ulan na siyang nakakasira sa mga pananim at nakapagpabago sa pisikal na anyo ng mga ilog. Ang labis na init naman ay nakasisira sa mga pananim na nabubuhay sa lamig kung kaya't talagang apektado ang likas na yaman sa uri ng klima meron ang isang lugar.