ano ang buod ng mina ng ginto?

Sagot :

Mina ng Ginto

Buod ng Alamat

Sa Alamat ng Mina ng Ginto ay naganap sa isang nayon sa Baguio, na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot sa ilalim ng pamumuno ni Kun-to. Bagamat si Kun-to ay bata pa siya naman ang naturingang pinakamalakas at matapang sa kanilang lugar. Dahil dito, siya ang ginawang pinuno ng mga matatandang pantas.

Tauhan:

  1. Kun-to
  2. Matatandang pantas
  3. Isang itim na Uwak
  4. Matandang lalaki
  5. Mga ganid na mamamayan

Buhay sa Suyuk

Noon ang mga naninirahan sa Suyuk ay simple lamang ang pamumuhay. Nagmamahalan ang ang bawat isa at sila ay may takot sa kanilang sinasambang Bathala. Kaya naman taon-taon kung sila ay magdaos ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Sa tuwing sila ay magdaraos ng caᾗao ay linguhan ang kanilang paghahanda. Sila ay nagkakatay ng baboy, nagsasayawan at nagkakantahan bilang alay sa kanilang Bathala.

Isang araw, nagpunta sa kagubatan si Kun-to upang mangaso ngunit hindi pa tuluyang nakalalayo ay nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa kanyang daraanan at tila ba hinihintay na lumapit ang makisig na pinuno. Marahang lumapit si Kun-to sa uwak at ng ilang hakbang nalamang ang layo nito sa ibon bigla nalang siyang napatigil ng makita niyang nakatitig lamang sakanya ang uwak at saka tumango ng tatlong beses bago tuluyang lumipad. Kahit na si Kun-to ay kilalang matapang, tinablan pa rin siya ng takot sa namasdan.

Dahil sa pagtataka kung ano ang ibig sabihin ng nakita, hindi na tumuloy mangaso si Kun-to, bumalik na lamang ito at nakipag kita sa mga matatandang pantas. Ayon sa isang matanda, marahil ang uwak na nakita ni Kun-to ay isang sugo ng bathala  ipinapabatid na kailangan na nilang magdaos ng Cañao, sinang-ayunan naman ito ni Kun-to at ipinag-utos ang agarang pagdaraos ng Cañao

Pagtutulung-tulungan

Lahat ng mamamayan ay tulung-tulong na kumilos, ang mga kababaihan ng nayon ay naghanda ng mga masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay handa na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy upang ialay, inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Ilang sandali lamang ay ang inalay nilang baboy ay naging isang pagkatanda-tandang lalaki na sa sobrang katandaan at hindi na halos makaupo sa kahinaan.

Gulat na gulat ang lahat sa nasilayan. Sa una silang lahat ay natakot ngunit ito ay napawi ng nagsalita na ang matanda. Pinalapit nito ang lahat sakanya at sinabing bibigyan niya ng gantimpala ang buong nayon dahil sa kabutihan ng mga taga rito, ang kailangan lamang ay sundin nila ang habilin ng matanda. 

Dumaan pa ang panahon ang punong-kahoy ay patuloy sa paglago, hanggang sa hindi na maabot ng mga mamamayan ang mga dahon at bunga nito, kaya kaya napagpasyahan ng mga mamamayan na pagputul-putulin na ang punong kahoy at paghahati-hatian na lamang nila ang makukuhang ginto.

Pinutol ng mga taga nayon ang puno at nang mahulog ito, ay kumidlat. Yumanig ang lupa at nagbasakan ang mga puno. May isang boses na narinig ang mga tao at dahil sakim ang mga ito, sinuway nila ang bilin ng matanda kaya sa harap ng Suyuk ay puno ng mga nilulon na lupa. At mula noon ay ang ginto sa Baguio ay nakuha na lamang sa pag mina ng lupa.

Karagdagang Impormasyon

  • Para sa ilang sumaryo tungkol sa tauhan ng Alamat ng Mina ng Ginto: https://brainly.ph/question/1569759.
  • Ano ang suliranin sa Alamat ng Mina ng Ginto, basahin sa: https://brainly.ph/question/1526598.
  • Makakatotohanan ba ang Alamat ng Mina ng Ginto? Sasagutin ito ng: https://brainly.ph/question/1525142.